![]() |
| Source |
Warning: The following tips are brought to you by Kurizutin, not by the experts. So, follow at your own risk!
1. Don’t waste your time lying down. Manganganib ka lang. It’s either maaalala mo lahat ng mapait na lumipas o magagalit ka na naman sa mga tanong nanakit sa ‘yo. Maya-maya lang kamo, umiiyak ka na o minumura mo sa isip mo yung mga taong yun!
2. Bangon.
3. Try to drink some warm milk. Yun lang, di effective sa ‘kin ‘to. Pero ikaw, try mo. Malay mo hiyang ka.
4. Spray a light mist of lavender essence over your pillow or sheets. It is known that lavender can help reduce tension and promote restful sleep. Ni-try ko ‘to. Wa epek pa din sa ‘kin! Pero try nyo pa din, baka sa inyo mag-work.
5. Manood ng kung anu-ano. Mas lalong di effective sa ‘kin ‘to. Lalong masisira buhay ‘ko. Uy, depende pala sa pinapanood. Kapag tulad naman nito, gaganda lalo ang buhay ko! *wink*
6. Mag-tiklop ng mga damit sa closet, magbasa ng libro, maglinis ng bahay... do something productive! Tulad ng ginawa ko kagabi! Alas tres o alas kwatro ng madaling araw na ‘ata ako natapos mag-kulkol ng kuko sa paa. Di man maganda mata ko, at least maganda naman kuko ko! Meron pang sense of accomplishment!
7. Wag matulog sa araw, lalo kang di makakatulog sa gabi. Ang siste, need ko ng power nap! Or else, luganggang pakiramdam ko. E di lalong hindi nakapagtrabaho! Sa work, utak pa naman ang gamit, utak!
8. Don’t count sheeps. Lalo ka lang mabubwisit!
9. Huwag kang iinom ng sleeping pills. Baka maging dependent ka lang. Sige ka. Gusto mong maging tulad ni Joker o Michael Jackson?
10.
11. Know the root cause bakit di ka makatulog. Down ka ba or something? Deal with your depression and worries.
12. Pray. Hindi sa isip lang, tapos sasabihin mo galing naman sa puso. Pray vocally, audibly, actively. Yung rinig dapat ng tenga mo. Talk to God as if you’re sharing your burdens to your trusted, closest friend. Open up to Him. After that, mararamdaman mo, ang gaan na pala ng pakiramdam mo. Sabi nga, instead of counting sheep, why not talk with the Shepherd? Malay mo minsan, yung insomnia mo, gusto lang pla ni God kausapin mo Siya. Sabi nga sa Bible,
“Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the PEACE OF GOD, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.” – Phil 4:6-7
Baka you need major lifestyle changes tulad ko para ma-achieve ang healing from sleeping disorder. Pag di ko na kaya ‘to, what I mean to say is, if I couldn't keep my sane anymore, papatingin na talaga ko ky Doc. Hehe...
O, madami pang pwedeng i-dagdag sa list ko! Anong sikreto mo?
Updates:
Uy, teka may mga naalala 'ko.
13. Take a warm bath. Baka kulang ka lang sa paligo. Init pa naman ngayon...
14. Mag-journal to list down all your concerns. It's also a way of de-cluttering your thoughts. O kaya mag-blog para kumita man lang kahit kakarampot. Babala, ang blogging ay nakaka-hook at nakaka-distract. Baka maka-apekto sa productivity mo sa trabaho, lalo kang di makakatulog!
15. Listen to soothing music, to songs that will uplift your spirit and remind you of His love. ;)

No comments :
Post a Comment